Girlalu na JONTILD: Di alam na may 8-month-old dyunanak na sa tiyan???


Girlalu na JONTILD: Di alam na may 8-month-old dyunanak na sa tiyan???

Minsan sa ating buhay, makaka-engkwentro tayo ng isang kwento na hindi kapani-paniwala…A la “Bilibit Or Not” kumbaga…Malamang ang iba sa inyo’y mapapailing nalang…Ang iba nama’y matatawa…Ngunit ito’y nangyari sa tunay na buhay at hindi kathang-isip lamang — kung kaya mapapabigkas ka nalang bigla ng “What da puck???!!”

Nahalukay ko ang clinical analysis na ito sa records ng University of Santo Tomas Hospital. Ako’y nagulumihanan sapagkat ang kwentong ito ay tungkol sa isang sanggol na bigla nalang lumitaw na para bang isa itong mahiwagang mushroom. Hindi alam ng kanyang mudra na ipinagbubuntis na pala siya sa loob ng walong buwan. Nadiskobre lang si Baby Boy sa ultrasound noong araw na itinakbo si girlalu sa hospital dahil sa abdominal pains.

Imaginin mo na wala kang kamalay-malay na ikaw ay 8 months pregnant. Sumasakit lang ang puson mo  kaya ka nagpadala sa ospital. Tapos biglang sasabihin sayo ng doktor na…“CONGRATULATIONS!!! YOU’RE ABOUT TO HAVE A BABY!!!” Makalipas ang ilang oras, lumabas na si baby kabute….nyahahahah

Basahin nyo nalang ang buong report ng UST medical staff…[CLICK IMAGE TO ENLARGE]

UST_hospital

15 responses to “Girlalu na JONTILD: Di alam na may 8-month-old dyunanak na sa tiyan???

  1. ang sabi ni girlalu at ng kanyang pamilya, hindi daw nila inakalang jontild si girlalu kasi nagmemedicate daw ito dati ng steroids para sa kanyang sakit. Kaya nung lumobo si girlalu, akala nilang lahat dahil lang iyon sa steroids…in other words, 8 months na sya preggy, wala nakapansin sa kanila kahit ung nagbubuntis mismo…

    Nung nagrupture ang kanyang water bag,,,nagtataka daw si girlalu kung bakit ayaw tumigil ng wiwi nya…Tapos sumasakit pa ang puson nya…Pero makalipas pa ang 3 days bago sya isinugod sa hospital. So ibig sabihin, naglabor na sya’t lahat-lahat, di pa rin nya alam na buntis sya!!!

    POSSIBLE BA OR HINDI PWEDENG HINDI NYA NALAMAN ANG KANYANG PREGNANCY???

    Kung merong mga doctors dyan,,,kahit doctor quack-quack,,,kung maari ay magbigay po kayo ng medical opinion tungkol dito…

    Sa mga naging mommies na, pa-share naman ng mga experiences nyo noong kayo’y preggy…

    Sa mga usisero’t usisera,,,ano masasabi nyo???

    • she is not the first case.I share the same disbelief before but ..yes i t could happen like those with irregular menstruation,they ignored missing the period thinking its normal for them,those aging women na palapit mag menopause..thinking again that its absence means pa menopause na nga..and those with fertility problems…most signs and symptoms din ng pregnancy like sipa sipa could be something else other than fetus..pag nakita mo lang ang fetal outline yun totoo nga buntis at tao ang laman,yang pasuka suka naman marami ang mga sakit na puwede ka pasuka suka…tapos unique ang tao we may have the same experiences iba iba naman reaction natin,some will tolerate,ignore,and some others will be drame queen….

      • correct me if i’m wrong — pag irreg ka, hindi lang sakto sa bilang ang dating ng menstruation, diba? kahit sabihin natin na hindi ka dadatnan this month, next month meron, next next month wala,,,pero hindi yung diretso kang walang regla for 6-8 months…that should have caused some alarm and suspicion, if you ask me…

        hay naku, ano ba naman malay ko dyan sa regla issue na yan,,,,nyahahahhaha

        • maybe because she is 21 and was using steroids..(that could be the reason for her irregular menstruation),she ignored not having it for eight months..but it is also possible for those with irregular menses not to have it for as long as nine months..i know a friend..

  2. parang imposible naman ata kasi mararamdaman mo yung baby na sumisipa eh

  3. di nga imposible,, baka me problema ung girlalu at di nya napuna na me bebi sa tyan nya…

    kz base sa karanasan ko bilang momi na me stage talagang iba ang pakiramdam na me bebi na s tyan mo na hindi pweding ignore mo lang kz di xa normal at xempre as normal girlalu at me napuna kang kaiba sa katawan mo magtataka db?at alamin mo kung ano un,,, tanong ba kz asa normal na pagiisip ba c girlalu

    taz sa pinas pa nagyari toh eh khit nga kapitbahay na tsismosa sa pinas mapupuna if juntis ka hehehe,,,,

    kaya guro 4mnths wedi pang mapagkamalan dxa buntis pro 5mnths ang bebi sa tyan sus eh lakas na kaya sumipa nun este tadyak na ata tawag dun

    • true true,,,

      ang aso nga pagbuntis, malalaman mong juntis din diba???

      normal naman ang pagiisip ni girlalu,,,naramdaman din nya ang mga sipa ng baby at tinanong pa nya sa mommy nya kung bakit may kumikirot sa tiyan nya,,,ang sabi ng nanay nya baka kabag daw…nyahhahahahah

  4. kunin mo manika ko

    Hay naku mga Sisterette!

    Ako kaya kaylan mabubuntis ng Papa ko? hi..hi…landi ko ba? hi..hi..

    Siguro pwedeng mangyari lalo na kung first time nya lang ma-pregy. Syempre walang alam pa ang ang girlalu at bigla na lang syang naglabas ng tyanak na di alam kung dyuninkil ba sya ng kung sinung mga papable nya sa paligid-ligid?

    Ang tanong, papaano yan sinu ang magiging Papa ng baby if ever magtanung na ang bagets in the future? Sasabih kaya ng girlalu na bigla na lamang syang lumabas sa mundo na di na dyuninkil ng kung sinu mang lalaki, or me sabi kaya ang girlalu sa anakis nya na; “anak wag kang sasama ang loob dahil PUTOL KA LANG SA BUHO”! Aray ko mga Ineng sakit naman nun sa isang anak….hu…hu…hu…

    • meron naman long-time jowa si girlalu na sinasabing father,,,kaso na-shock lang si tatay kasi biruin mo 8 months yun na wala sya kaalam-alam about his dyunanak,,,and then he woke up one day receiving a text message na nanganak na ang gf nya!!! ang buong akala nya, tumaba lang si girlalu dahil sa steroids, yun pla jontild na…divahhh,,,kakagulat naman talaga!

  5. Eto ung bad side ng unwanted or unplanned pregnancy. Napaka-importante pamandin ng first trimester nung baby dahil sa formation of vital organs nito. Eh pero grabe naman to, till 8th month? Di alam na buntis? Nu un? Nice story pipit!

    • yup,,,til the 8 month,,,actually nung manganganak na sya, dun lang nya nadiscover ang baby,,,weird no?! buti nalang walang deformities ung baby kahit la sya prenatal checkups…at kung anu-anong precautions…

      yun nga lang, ang dami tuloy stretch marks ni girlalu sa kakakamot sa belly,,,nung tumutubo na ung hair ni baby boy, siguro mega-scratch sya…

  6. Really??? ImPoSible Nmn un…FeeLing ko Engot Nmn NUng Gurl… heheheh…

    Guess she knows she’s pregnant…… kso….. its either takot sya magpatingin or…. ayaw nyang tanggapin…diba???

    I was 7 months pregnant…and di pa halata tyan ko….baka ganun sya… :(….

    ay ewan…ako’y sadyang nagugulumihan..

  7. actually dito sa US, may show na “I didn’t know I was pregnant”, documenting all those who gave na walang clue na buntis sila. so I guess, it’s not really impossible. meron kasing cases na yung babae ay imposibleng manganak “daw” tapos nabuntis naman. meron ding irregular period kaya di nila pinapansin. kasi minsan diba up to 6 months pwedeng di datnan dahil sa stress or pills (na hindi rin naman 100% effective). so yun. it’s very possible talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s