Listahan Ng Mga Inorder Ni Gloria Sa Le Cirque


Listahan Ng Mga Inorder Ni Gloria Sa Le Cirque

I think McDonald’s is a “decent” restaurant for any person to eat at, don’t you agree? I mean, some people can’t even afford to eat there, much less treat 20 or so people to Happy Meals. So, we’re lucky that we can even afford to eat at McDo once in a while. It’s decent enough for me…it’s decent enough for you…it’s decent enough EVEN for the President of the Philippines and her entourage!

If you come to think of it — these government officials are just our SERVANTS. They even openly embrace the role of being a “PUBLIC SERVANT” during election periods. BUT once they are comfortably seated in office, all of a sudden, they’re better than the average Pinoy who eats at McDonald’s? Hah!

As tax-paying citizens…as people who value every cent that we are earning…as Filipinos who have to work hard to earn each cent, do we look like we have no common sense to differentiate what is decent and what isn’t? Don’t we , to say the least, have the right to say what is a decent enough restaurant for these public “SERVANTS” to eat at? After all, it’s OUR MONEY, the taxpayers’ money, that they’re using for these kinds of official trips! So fuck you Mikey and your laughable concept of dignity!

Sa sobrang mahal ng kinain ni Gloria sa Le Cirque, kapag siya ay sumuka, mag-uunahan ang mga tao sa pagsambot ng mga iluluwa nya, matikman lamang ang pagkaing pang-mayaman.

Sa sobrang mahal ng kinain ng ating Pangulo, sasaluhin ng mga nagugutom na Pilipino ang kanyang itatae, malasahan lamang ang pagkain ng alta sociedad. At bakit hindi? Sa gitna ng global recession, ng kahirapan sa ating bansa, ng mga Pilipino na binabawasan ng witholding taxes buwan-buwan — nakuha pa niyang kumain sa mga mararangyang restaurant…at sa ibang bansa pa, no less!

Ngayon alam nyo na kung saan napupunta ang mga buwis na ibinabawas sa inyong mga sweldo — er, panglamon ni Gloria at ng kanyang entourage! hahahahaha

Kaya tama lang na libu-libo ang kunin ng BIR sa inyong mga salary every kinsenas…kasi “sensitive” ang mga taste buds ni Gloria…bawal ang pagkaing cheap! At syempre dapat hindi magutom ang ating Presidente diba?! Magutom na tayong lahat, wag lang si Madame President!

gloria_macapagal_arroyo

gloria_arroyo_le_cirque_receipt

Ang bill ng entourage ni Gloria sa Le Cirque

gloria_macapagal_arroyo_golden_osetra_caviar

Golden Osetra Caviar. Sa Tagalog, kumpol-kumpol na itlog ng isda. Rare daw ito. Malansa at lasang bagoong, sabi ng iba.

california_osetra_caviar

California Osetra Caviar. Kumpol-kumpol na itlog ng isda na mula sa California. Mas mura kesa sa Golden Osetra Caviar.

le_cirque_salad

Le Cirque Salad. Pinaghalo-halong mga gulay tulad ng lettuce (wag kayong jologs, hindi [let-us] ang pronunciation nyan, kundi [let-is], okay?)…sige na nga litsugas nalang…/ˈlɛtɪs/ Show Spelled Pronunciation ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc…

le_cirque_lobster_salad

Le Cirque Lobster Salad. Merong lobster meat, pipino, avocado, kamatis, okra saka dahon ng sibuyas.

le_cirque_tuna

Le Cirque Tuna. Syempre merong tuna dyan, orange, sesame seeds,  wasabe ata yung green paste sa ilalim, anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce.

le_cirque_soft_shell_crab_tempura

Le Cirque Soft Shell Crab Tempura. Ngayon ko lang nalaman na meron palang crab na soft ang shell nya…ahihihihi…So ang ingredients dyan ay crab saka harina.

le_cirque_spring_pea_soup

Le Cirque Spring Pea Soup. Mga pataning pinaikot at pinalamutak sa blender para maging soup. A.k.a. Etchas ng baby

le_cirque_wild_burgundy_escargot

Le Cirque Wild Burgundy Escargot. Pronounced as [es-kahr-goh]. Tandaan nyo yan para hindi kayo magmukhang enggot pag kumain kayo sa Le Cirque in the future, okay? Ang escargot ay kuhol. Madami nyan sa palayan kapag tag-ulan. Hmmm…sarap ng ginataang escargot! Kasama ng escargot dyan ay 2 munchkin donuts, makapuno, itlog ng isda saka ferns.

torchon_of_foie_gras

Le Cirque Torchon of Foie Gras. Ang foie gras ay atay ng bibe or gansa. Ang pagbigkas nito ay [fwah-grah]. Ang torchon naman ay isang paraan ng pagluto ng foei gras na kung saan ibinabalot ito sa isang tuwalya at niluluto sa mainit na likido tulad ng alak o tubig.

paupiette_of_black_cod

Paupiette of Black Cod. Ito’y manipis na piraso ng isda (black cod) na nirolyong parang shawarma at merong mga gulay sa gitna. Paupiette is pronounced as [poh-pyet].

le_cirque_halibut

Le Cirque Halibut Poached in Cocunut Milk. Halibut is pronounced as [hal-uh-buht]. Ito ay isang uri ng isda.

dover_sole

Dover Sole. Isa rin itong uri ng isda.

le_cirque_saddle_of_lamb

Le Cirque Saddle of Lamb. Ano ba ang saddle sa Tagalog. Hmmm…part daw ng backbone and loins. Eh ano yung loins sa Tagalog? Tadyang o pigi? Ay basta tupa lang yan!

krug_champagne

Krug Champagne. Sa sobrang sarap ng Krug, umorder sina Gloria ng labing-isang bote nito. Kulang-kulang Php 235,000 lang naman iyang 11 bottles na yan. Ilang ginbulag kaya ang mabibili sa Php 235k? Teka, downpayment na yan para sa isang kotse o bahay ah! Tsk…tsk…tsk…

gloria_arroyo_le_cirque_and_bobby_vans

Pero bakit nga ba nanggagalaiti ang mga Pinoy sa pagkain nina Gloria et.al. sa Bobby Van’s Steakhouse and Le Cirque? Gayong ang iba namang presidente ay hindi pinuna noong kumain sila sa mga nasabing restaurant. Tulad nina…

Obama_leaving_Bobby_Vans

Pres. Obama…seen here leaving Bobby Van’s Steakhouse…and

ronald_reagan_at le_cirque

Former Pres. Ronald Reagan at Le Cirque…

Ano ang iyong palagay tungkol dito? Share mo na ang opinyon mo. NOW NA!!!

16 responses to “Listahan Ng Mga Inorder Ni Gloria Sa Le Cirque

  1. weeeh grabe wala na ako masabe alangan namang pakinin daw ang HER EXCELLENCY sa McDonald’s or turo-turo lang? en quote by her son Conressman Mikey Arroyo…LOOOOOLLLLLLLZZZZ

    • Parang sinabi ni Mikey na hindi “decent” ang pagkain sa McDo…ano ba ang masama sa pagkain ng isang Presidente sa popular fastfood chain na iyon? I’d rather see her eating there — a show of humility would be nice. I’d be even happier if I see her eat “pagpag” — in keeping with the spirit of poverty in this country.

      Sana nga lang galing sa sarili nilang pera ang pinangkain nila sa Le Cirque at Bobby Van’s. Pero kung ikaw ay isang mayamang tao — would you waste your own money paying for the dinner of the President’s entourage? Eh kaya nga sila lahat sumama doon kasi LIBRE iyon eh — FUNDED lahat ng gobyerno kasi “OFFICIAL TRIP” yun! Pag official trip, meron silang “budget” na gagamitin — na “CONVENIENTLY” ay galing sa TAXPAYERS‘ money!

  2. first of all, kung kumain man ang presidente ng US sa mga places na to, hindi isang damakmak ang entourage nila…secondly, it is an upfront insult sa mga kababayan nating nagpapakapagod para may mailagay na kaunting pagkain sa mesa ang ginawa ni GMA-bansot na yan, lantarang pagwaldas ng pera (i doubt na sa sarili nilang pawis at bulsa nagmula yun), thirdly, hindi porke presidente ka di ka na pwedeng kumain ng hindi gourmet. Obama was seen buying burgers and fries from time to time. Grabe ang kakapal ng mga politicians sa atin, sagaaaaad!

  3. dapat nag lumpiang sariwa ka na lang Gloria halos ganun din ang sumatutal ng mga kinain mo

  4. Napuna si Pres. Gloria dahil galing siya sa isang third world country kung saan madaming naghihirap, walang makain. Grabe lang kakapalan ng mukha.
    Parehong US pres. ang nakalagay na example sa taas, afford naman siguro nila kumain jan. Kahit sino sigurong pinuno ng isang mahirap na bansa ang mag waldas ng ganyan, for sure aalma ang mga tao.

    Hay.

  5. sana ipinamigay na lng sa charity yan ano ba yan….

  6. ay xempre nmn, masabing nakapagpa-sosyal lang di ba? ni hindi nga sila belong sa top 10 richest filipino’s ata para makapaglustay ng gnun2 lang at para mabaliwala lang ng taong bayan un ginawa nila.

    i remember watching Winnie Monsod’s statement na it’s not about the where the money they spent came from, it’s just the morals of the act na your eating in a high end resto and you see your countrymen at this current state di ba.

    grabe na talaga pulitiko s tin. harap harapan na kugn mangwalanghiya.

    anyways, lahat nmn yan may balik din yan sa knila. God will be the judge. chaka wag n sila mag-deny na hindi pera ng taong bayan yan. maglolokohan pa ba tau? hehe

  7. ang pilipinas ang numero uno sa halos lahat ng bagay ….

    numero uno sa katarantaduhan.
    meron taung pulitikong mas tarantado pa sa durugista.
    numero uno sa pakapalan ng mukha.
    UNO ! tayong lahat.!

  8. hay naku, cge nga pakainin nyo si GMA sa Mcdo sa US, tpaos headlines kinabukasan, Philippine President ate at Macdo? Walang logic dba? Ilagay nyo nman sa dapat kalagyan. Sa atin ok lang na kumain sa turo turo pero presidente hindi talga. Nkakabwesit lang ibang tao kc di naman nagsikap tapos isisi sa presidente na kesyo wala silang trabaho walang makain. Gusto ata ng iba na every month may matatangap silang pera galing sa gobyerno. Sa laki ng pinas hindi makayanan yan. Un ibang pamilya anak pa ng anak tapos pag walang makain isisi sa gobyerno.

    • Wag sanang maging linyar ang pagintindi sa sinabi ni Mikey Arroyo.

      Una, ano ba ang konteksto na kanyang ginamit? Ang inilatag niyang tanong ay ganito: “Do you want Your President to eat in McDonald’s or isang turo-turo? I think there is more dignity in having Your President and her Cabinet Members and the Members of the Lower House to eat in a decent restaurant.”

      Sa kontekstong ito, ang nais sabihin ni Mikey ay hindi isang disenteng kainan ang McDonald’s para sa isang Presidente…na walang dignidad sa pagkain sa Mcdo kung ang kakain doon ay isang lider ng bansa. Isang pangulong kurakot….isang pangulong kumikita ng milyones mula sa bulsa ng mga taong nagtratrabaho at nagbabayad ng kaukulang buwis…isang pangulong nagpamudmod ng Php 200,000 – Php 500,000 in cash as Christmas Gift a.k.a. “bribe” upang siguraduhin na siya’y manatili sa pwesto…Ito ba ang klase ng pangulong dapat alalahanin pa ng taong bayan na mapangalagaan nya ang kanyang “dignidad”? Hindi ata…

      Pangalawa, lahat ng kilos na gagawin ng mga pulitiko natin — mapalokal man o mapangibang bansa ang lakad — lahat yan may budget na nakalaan…ultimo pang-load ng cellphones nila, may budget. Sa palagay mo ba’y sarili nilang pera ang ginamit nilang panggastos sa Amerika kung pangload nga lang ay kailangan pa nilang iasa sa atin? Ang ginamit nilang pambayad sa mga mamahaling restaurant na iyon ay pera mopera ko…at pera nating lahat…dahil iyon ay isang official trip…Sa madaling salita, may budget…may pocket money…may kickback pa…

      pero tama ka wheng, maraming Pilipino ang hindi nagsisikap…umaasa nalang sa gobyerno para sila ay ihangon o itawid sa kahirapan…sunud-sunod pa kung gumawa ng anak…ngunit hindi iyan ang punto sa kontekstong itokundi ang kurapsyon sa ating gobyerno.

    • Kung si President Magsaysay ay ipinagmalaking ihanda at kainin ang dilis sa mga bisita nyang foreign politics and got praised for it, bakit si President ay di pweding kumain nang Turo-turo?

      Hindi lahat na nagsisi sa gobyerno ay walang pagsusumikap, sila ang mga taong may pagkaka-alam kung ano ang reponsibilidad nang politiko sa bayan.

      Dati galit ako sa mga taong anak nang anak tapos di naman kayang buhayin, pero di mo sila masisi dahil bawal ang birth control sa bansa natin kaya nagdamihan ang mga-anak.

      again, this is just my opinion…

  9. There is nothing wrong for President to eat in this Prestige Restaurant, I understand that need to eat on secure place, but they should not have done overbudget. Why the hell order a caviar and Alcohol?

    Really, why you need to have Wine pairing and then Champagne? they must have been drunk leaving this restaurant. They can order what they want if it is their own money, but since this is people’s money, they should have been more conservative.

    Mikey should not have statement that sounded like arrogant:
    “Do you want Your President to eat in McDonald’s or isang turo-turo? I think there is more dignity in having Your President and her Cabinet Members and the Members of the Lower House to eat in a decent restaurant.”

    if the President have eaten in McDonald Restaurant instead, maybe there will be endorsment, example: Ronald McDonald Charities to extend helping out the poor children in the Philippines, sponsor camping/events for children.

    that is just my opinion…

  10. .. ang lupet tlga ni gloria, sana ako nlng ung chef dun sa le cirque, haha, papakainin ko ng fertilizer un si madam president..

  11. I don’t think Mr. Obama and the other U.S. Presidents would react to Gloria’s act because of the following reasons:
    1. The Philippines is a loyal ally of the U.S. (at pinapalala pa yan ni Gloria sa pagiging tuta nya sa kano)
    2. The U.S. doesn’t want to meddle in the affairs of the Philippines. This is a domestic issue, if a President of a country decided to make acts that is well, morally wrong (except for issues of concerns such as Genocide, etc.), wala ng pakialam ang iba dun.

    If you try to think of it, mas nag-enjoy nga si Pres. Obama eating a burger in one of the restos na paborito nya eh.

    But then, this President is the worst President ever. Don’t waste your votes people. Obvious namang niloloko na tayo, face to face. Open up your eyes.

  12. This truly proves that her excellency tries to be decent in the way she want to eat foods in a restaurant. She wants to eat in a decent restaurant so she and her cabinet members will also be decently-looking even if they’re truly not! Maybe there’s no problem in eating in such a restaurant if they’ve used they’re own money. But still, I really wonder if Mrs. Arroyo think about the less fortunates here in our country before eating in such a prestigious restaurant. It looks like she doesn’t have her concern for the people of the Philippines that she spent a lot of money just for their foods. Actually, that amount can already be a great help to those who are in need. All I can say is that: God Bless Us All, God Bless Philippines and God Bless You, Mrs. Arroyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s