Girlalu Kay Tattoo Artist: “Bakit ’56 Stars’ Ang Nilagay Mo Sa Mukha Ko?!”
Sino ba naman ang mag-aakala na pwede palang makatulog ang isang tao habang sya’y tinatatuan? Ito’y hango sa kwento ni Kimberley Vlaminck, isang labing-walong taong gulang na dalaga mula sa Belgium, na nagsasabing sya daw ay nakatulog noong inuumpisahan na syang tatuan. Laking gulat nalang nya nang pagkagising ay meron na syang limampu’t anim — take note, “56” ha— na star tattoos sa kanyang mukha.
Ang sinabi kasi nya sa tattoo artist ay tatlo lang ang ilagay. Ang palusot naman ng nasabing artist ay hindi daw nya naintindihan ang request ni Kimberly. Pero ang layo naman ata ng tunog ng “fifty-six” sa “three” [kamot ulo]…
Come to think of it…may maganda rin namang kinalabasan ang experience na ito ni Kimberly…Ngayon, pwede na syang gamiting visual aid sa Science class nya…
Our lesson for today is about Constellations…
Ito ang Big Dipper Constellation…
Ito naman ang Cassiopeia Constellation…
Guess what this is? CLUE: Lion yan…hihihihi
Thank you Kimberly, you’ve been very helpful. Now LEARN YOUR LESSON this time!!!
P.S. Mukhang tama ka Ozone…siguro nga, hugis ng Number 3 ang interpretasyon ni tattoo artist nung sinabi ni Kimberly na 3 stars ang ilagay. Tsk…tsk…tsk…pagpasensya nyo na sya, may pagka-is-low lang…nyahahahahah